BBM-SARA UNITEAM HINIMOK ANG MGA KABATAAN NA AKTIBONG MAKILAHOK SA PAGBANGON SA PANDEMYA

HINIMOK nila presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte, ng BBM-Sara UniTeam, ang mga lider ng kabataan sa probinsya ng Quezon na makilahok at aktibong tumulong sa post-pandemic recovery ng bansa.

Ito ang panawagan nitong Miyerkoles ng umaga ng BBM-Sara Uniteam sa harap ng libu-libong kabataan sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Iginiit ni Marcos Jr. sa mga youth leader na dapat ay maging aktibo sila sa kanilang mga komunidad sa pagtulong sa pamahalaan na muling makabangon mula sa pandemya.

“’Pag meron kayong naiisip na maganda na maaring gawin para makatulong, makialam kayo. Sabihin nyo ito ang gawin natin. At yan ang kailangan ng lahat. Hindi na tayo pwedeng business as usual, in many ways it will be the young people who will lead us into the future,” ayon kay Bongbong.

Idinagdag pa ni Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagbibigay ng boses sa mga kabataan kasabay nang paghikayat sa mga ito na ibahagi nila ang kanilang mga bagong ideya sa pamahalaan.

Aniya, kinikilala ng BBM-Sara UniTeam ang kakayahan ng mga kabataan lalo na pagdating sa mga teknolohiya at mga makabagong ideya na malaki ang maitutulong sa gobyerno.

“We need your new ideas, we need your energy, and we need your ideology. The fresh ideas that you can bring to the government is so necessary now especially that technology is moving so quickly at kung minsan kami, sabihin na lang natin na nakakatanda sa inyo nang kaunti ay hindi kasing sanay at hindi kasing bilis na makaunawa sa mga bagong sitwasyon, sa mga bagong teknolohiya at kung papaano nating magagamit ang teknolohiya na ‘yan para tulungan ang taumbayan,” dagdag ni Marcos Jr.

Ani Marcos Jr., na nasa likod ng pagbuo ng National Youth Commission (NYC), napaka-importante ng pagbibigay ng boses sa mga kabataan.

“’Yung teenage pregnancy, ‘yung drug abuse, ‘yung bullying ngayon, may cyber-bullying pa marami na, maraming iba’t iba pang hindi namin nakikita kaya’t kailangan natin marinig ang boses ng kabataan kaya ako itinaguyod natin ang ating National Youth Commission,” ani Marcos Jr.

Muli namang iginiit ni Marcos na siya ang pinaka-masuwerteng presidential aspirant matapos maging katambal si Sara sa darating na halalan.

“Nakita po ninyo sa salita ng ating kandidato bilang bise-presidente na ako ang pinakamapalad na presidential aspirant dahil ang naging running-mate ko ay napakagaling, napakarunong, nakapahaba ng karanasan at napakalaki ang pagmamahal sa atin mga kababayan,” giit ni Marcos Jr.

Dumating din sa naturang event sina dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, House Majority Floor Leader Martin Romualdez, dating senador Jinggoy Estrada, Cong. Mikee Arroyo, Cong. Jay-Jay Suarez, Quezon province Governor Danilo Suarez, at iba pang opisyal ng Quezon province na nakiisa sa BBM-Sara UniTeam sortie.

Kagagaling lamang ng BBM-Sara UniTeam sa matagumpay na sortie sa Samar at Leyte na dinaluhan ng libu-libong tagasuportang Waraynon.

Pinangunahan din ng Bongbong-Sara tandem ang simbolikong ‘Salubong’ na isinagawa sa makasaysayang San Juanico Bridge.

9

Related posts

Leave a Comment