BBM SUPPORTERS NAGSAGAWA NG PROVINCE-WIDE CARAVAN SA BULACAN

HALOS hindi mahulugan ng karayom ang kahabaan ng Manila North Road o Macarthur Highway sa isinagawang province-wide caravan ng mga rider na supporters ni presidentiable Bongbong Marcos sa lalawigan ng Bulacan kahapon, Nobyembre 28.

Nagtipon-tipon sa Malolos Sports Convention Center sa Malolos City ang mahigit 26,000 supporters ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Bulacan Marcos Pa Rin Movement Pilipinas” ay pagpapakita ng suporta sa kandidatura ni Marcos Jr. na tatakbong presidente sa darating na national and local elections sa Mayo 2022.

Ang mga lumahok sa napakahabang motorcade ay nanggaling sa iba’t ibang lungsod at bayan sa lalawigan ng Bulacan.

Kabilang sa mga starting point ng BBM Caravan sa Bulacan ang lungsod ng San Jose Del Monte, Meycauayan City at sa mga bayan ng Obando, Hagonoy, San Miguel, Doña Remedios Trinidad at nagtagpo-tagpo sa Malolos Sports Convention Center.

Nagsimula ang province-wide caravan bandang alas-6:00 ng umaga at natapos ng alas-11:00 ng umaga. (ELOISA SILVERIO)

2

Related posts

Leave a Comment