CABINET POSITION ‘DI DAPAT TUNTUNGAN SA ELEKSYON

KAILANGANG magtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga miyembro ng Gabinete na walang ambisyong pulitikal sa 2025 midterm election upang hindi mahati ang kanilang atensyon sa trabaho.

Ito ang mungkahi ni House minority leader Marcelino Libanan kasunod ng nakatakdang pagbalasa ni Marcos sa kanyang Gabinete kung saan maingay ang ulat na marami sa mga natalong kandidato noong 2022 ang itatalaga nito.

“Our suggestion is for the President to appoint highly capable department heads who can focus entirely on their jobs until 2028, and who do not have any plans to run in the 2025 elections, which is just 24 months away,” ayon sa mambabatas.

Ipinaliwanag ng mambabatas na ang mga secretary na may planong tumakbo sa midterm election ay hindi magagawa nang maayos ang kanilang trabaho dahil nahahati ang atensyon ng mga ito sa tungkulin sa taumbayan at ambisyon sa pulitika.

Kabilang sa mga ahensya na wala pang permanenteng kalihim ang Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), at Department of National Defense (DND).

Huwag maging sentimental

“A Cabinet member is just the highest paid casual employee in his department. As such, pwede ma-endo anytime. Walang forever. In this country, a Cabinet or any presidential appointment has a short life span,” ayon naman kay House deputy speaker Ralph Recto.

Dahil dito, wala umanong karapatan ang appointees na maging sentimental kapag natanggal ang mga ito sa puwesto dahil karapatan ng pangulo na tanggalin ang mga ito at palitan ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan.

Ginawa ni Recto ang pahayag dahil inaasahan na may magmamarakulyo kapag natanggal sa puwesto sa nakatakdang balasahan na ipatutupad ni Marcos Jr.

“In fact, it is his duty to effect personnel changes when his alter ego falters or fails in his work. Because when it happens, it is the people who will be punished by mediocrity. Sa basketball nga may substitution. When the ax falls, there is no room for sentimentality,” pahayag pa ni Recto. (BERNARD TAGUINOD)

96

Related posts

Leave a Comment