DOH, DILG PINULONG NI PANG. MARCOS JR.

MATAPOS ang kanyang state visit sa mga bansang Indonesia at Singapore, kaagad pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para i-assess ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang pulong ay ginanap sa Malakanyang kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan na ang opsyonal na pagsusuot ng face masks sa labas ng bahay.

“Today, President Ferdinand R. Marcos Jr. met with key officials from the Department of Health (Philippines) and the DILG Philippines to assess the country’s COVID-19 situation in light of the IATF’s recommendation to make face masks optional outdoors,” ang pahayag ng Office of the President (OP) na naka-post sa Facebook page nito.

Gayunman, hindi binanggit ng OP kung ano ang naging desisyon ng Pangulo kaugnay sa rekomendasyon ng IATF-EID.

“President Marcos welcomed the DOH report which noted a steady decline in COVID-19 cases. The DOH attributes the low positivity rate of 12 percent to the success of the government’s intensified national vaccine rollout,” ayon sa OP.

Ang panukalang gawing opsyonal ang paggamit ng face masks ay unang inilatag ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr.

Tinukoy ni Abalos ang data mula sa iba’t ibang Southeast Asian nations, tinukoy ang iba’t ibang bilang ng COVID-19 cases sa mga lugar kung saan ang pagsusuot ng face mask ay mandatory at kung saan mayroong nakakasang “partially o completely lifted” sa kondisyong kailangang mahigpit na sundin ang minimum public health standards.

EO kailangan
sa face mask policy

Kaugnay nito, kailangan munang magpalabas ng isang executive order (EO) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para payagan ang
opsyonal na paggamit ng face mask sa labas ng bahay.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nananatiling ‘required” sa mga Pilipino ang paggamit ng face mask sa paglabas sa kanilang bahay.

Kaya, ang paalala ni Cruz-Angeles sa publiko ay mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask habang “recommended” pa lamang ang inihayag ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa labas.

“The IATF ‘recommended’ that face masks be voluntary outdoors in non-crowded spaces with good ventilation. Though the vulnerable — elderly and immunocompromised — are still highly encouraged to wear their masks,” ani Cruz-Angeles.

Nauna rito, sinabi ni Cruz-Angeles na ang panukalang bawiin na ang mandatory mask requirement ay magiging pilot test patungo sa huling quarter ng 2022.

Iyon nga lamang, kailangan na mayroong improvement o pagbabago sa COVID-19 booster vaccination coverage sa bansa.

“Hindi pa po ito polisiya ngunit ito na po ang nirerekomenda ng ating IATF,” ayon kay Cruz-Angeles.

“Kailangang i-improve natin iyong statistics natin ng mga nagpa-booster na para by the end of the year, magpa-pilot test na po ng ating lifting of mandatory mask mandate,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, hinikayat naman ni Cruz-Angeles ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na suportahan ang National Booster Week mula Setyembre 26 hanggang 29 sa pamamagitan ng implementasyon ng “sector specific policies and incentives” para mahikayat ang mga tao na magpa- booster shots.

“Sa iba’t ibang ahensya, mayroon silang target na for implementation ng booster policy. Bahala ang mga ahensya na magrekomenda o for encouragement or incentives sa mga magpapa-booster,” dagdag na pahayag nito. (CHRISTIAN DALE)

5

Related posts

Leave a Comment