ENTREPRENEURSHIP ITINUTULAK NI PBBM SA OFWs

PINALAKAS ng gobyerno ang suporta nito para sa entrepreneurship bilang isa sa paraan upang makalikha ng karagdagang kita ang overseas Filipino workers at kanilang pamilya para suportahan ang kanilang mga pangangailangan.

Tinuran ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang kalatas ng 2022 Go Negosyo OFW Summit, bagama’t hindi nakadalo ang Pangulo sa event ay patuloy naman ang ginagawa ng pamahalaan sa pag-explore sa entrepreneurship bilang plataporma upang matiyak ang pagbawi ng bansa mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi pa nito na ang kontribusyon ng OFWs sa Philippine economy at labor force ay nagsilbing mahalagang elemento tungo sa pangmatagalan na kasaganaan.

Idagdag pa na nananatili itong “solid foundation” ng ekonomiya.

“In today’s activities, we aim to make entrepreneurship an avenue where we can help OFWs and their families generate additional income to support their needs,” bahagi ng mensahe ni Pangulong Marcos.

“We hope that through entrepreneurship, our OFWs will now have the option to come back home with the ultimate goal of making working abroad a choice rather than a necessity,” dagdag na wika nito.

Idinaos ang Go Negosyo OFW Summit bilang bahagi ng pagdiriwang ng Go Negosyo sa kanilang ika-17 anibersaryo.

“As President, I assure you that the national government will continuously work to ensure the welfare and competitiveness of our OFWs during my administration,” ayon pa sa kalatas ni Pangulong Marcos.

Samantala, dumalo naman sa nasabing event si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos at inanunsyo na may 9 na Kabayan Awardees ang makatatanggap ng P200,000 mula sa Office of the President (OP). (CHRISTIAN DALE)

71

Related posts

Leave a Comment