EO PARA BAGUHIN IMPORT DUTY RATES NG ILANG PRODUKTO INILABAS NG MALACANANG

NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order na naglalayong baguhin ang import duty rates ng iba’t ibang kalakal para pahinain ang ‘inflationary pressure’ at protektahan ang ‘purchasing power’ ng mga Filipino.

Sa ilalim ng Executive Order No. 62, ang ilang kalakal gaya ng ‘animal products, plants, pharmaceutical needs, chemicals, etc. ay kailangan na i-subject sa Most Favored Nation (MFN) rates ng duty, kung ano ang ipinangako ng ibang bansa para ipatupad sa imports mula sa ibang miyembro ng World Trade Organization (WTO).

“There is a need for a new multi-year and comprehensive tariff schedule that will provide a transparent and predictable tariff structure, and allow businesses to engage in medium- to long-term planning to improve productivity and competitiveness, facilitate trade, and enhance consumer welfare,” ang nakasaad sa EO.

“The implementation of an updated comprehensive tariff schedule aims to augment supply, manage prices, and temper inflationary pressure of various commodities, consistent with the Philippine national interest and the objective of safeguarding the purchasing power of Filipinos,” dagdag nito.

Matatandaang, una nang inaprubahan ng NEDA Board ang Comprehensive Tariff Program 2024-2028 na layong mapababa ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Sa ilalim ng programang ito, mananatili ang kasalukuyang taripa sa mahigit kalahati ng mga produktong agrikultural at industriyal.

Samantala, ibababa naman ang taripa sa ilang kemikal at coal briquettes upang mapabuti ang seguridad sa enerhiya at mabawasan ang gastos sa produksiyon.

Pinakamalaking bawas-presyo ang inaasahan sa bigas, dahil mula sa dating 35%, ibababa sa 15% ang taripa nito. Layon nitong mapagaan ang gastusin ng mga Pilipino, lalo na’t malaki ang ambag ng bigas sa inflation rate.

Bukod sa bigas, mananatili rin ang mas mababang taripa sa iba pang produktong agrikultural gaya ng mais, baboy at deboned meat.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ang bagong tariff program ay hakbang upang masiguro ang sapat na suplay ng mga pangunahing bilihin, mapatatag ang presyo, at maitaguyod ang seguridad sa pagkain. (CHRISTIAN DALE)

50

Related posts

Leave a Comment