ERAP, GMA SUPORTADO ANG BBM- SARA UNITEAM SA 2022

0

NAGPAHAYAG ng suporta ang dalawang dating pangulo ng bansa matapos nilang iendorso ang tambalang BBM- SARA Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte bilang kanilang opisyal na kandidato para sa darating na halalaan.

Nito lamang Huwebes ay pormal nang nakipag-alyansa ang partido ni dating presidente Gloria Macapagal-Arroyo na Lakas-CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni dating presidente Joseph Estrada sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na pinangungunahan ni Marcos at sa Hugpong ng Pagbabago (HnP) ni Inday Sara.

Ang kaganapang ito ay inaasahang mas magpapalakas sa tambalang BBM-SARA Uniteam at sa kanilang isinusulong na nagkakaisang pamamahala lalo na’t sila ay nasa proseso na ng pagpapatibay pang lalo ng suporta sa kanilang mga teritoryo o mas kilala sa tawag na “Solid North” at “Solid South.”

Ang alyansang ito ay magbibigay daan din sa isang malakas na political bloc na siyang nakatulong sa kandidatura nina Macapagal-Arroyo, Estrada, at former president Fidel Ramos upang sila ang mahalal na pangulo sa mga nagdaang eleksiyon.

“We have come together on the basis of unity. And it is this unifying forces that I believe will bring the stability back first to the political arena, and secondly, to the country,” ayon kay Bongbong.

Inaasahan naman ni Sara Duterte na ito pa lamang ang simula nang sunod-sunod na pagbuhos ng suporta sa kanilang BBM- SARA Uniteam kasabay ng panawagan sa mga kaalyado na patuloy na manghikayat ng suporta mula sa iba pang mga partido.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment