ESTUDYANTE MAS NATUTUTO SA F2F CLASSES – PRES. MARCOS

MAS malaki ang makukuhang karunungan ng mga estudyante sa loob ng silid-aralan dahil personal silang matuturuan ng mga guro.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbabalik ng face-to-face classes kahapon matapos ang dalawang taong online learning dahil sa COVID-19 pandemic.

Kasabay nito, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga guro at mag-aaral na patuloy na i-obserba ang minimum health protocols upang matiyak na mananatili silang malusog habang natututo ng mga bagong bagay.

Ito’y sa gitna na rin ng nananatiling banta ng COVID-19 sa bansa.

Nauna rito, winelcome ni Pangulong Marcos Jr. ang pagbabalik-eskwela ng mga kabataan sa full face-to-face classes.

“It has always been my belief that learning will be more effective inside classrooms where students fully interact with their teachers and fellow students,” ayon sa Pangulo.

Samantala, kumpiyansa naman ang Chief Executive kay Vice-President at DepEd Secretary Sara Duterte na sa pangunguna nito sa ahensiya ay maibibigay ng gobyerno ang quality education na hinahangad ng mga magulang para sa kanilang mga anak. (CHRISTIAN DALE)

5

Related posts

Leave a Comment