FPRRD KAY BBM: PAKINGGAN BOSES NG TAUMBAYAN

NILINAW ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi layunin ng Hakbang ng Maisug rally na patalsikin ang gobyerno kundi para ilabas ang saloobin ng publiko.

Kasabay nito ay pinaalalahanan ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pakinggan ang taumbayan.

Bagaman hindi personal na nakadalo ay nagpadala ng mensahe si Duterte sa idinaos na Hakbang ng Maisug: Defend the Flag, Freedom Concert and Peace Rally sa Pampanga kahapon.

Wala namang naitalang aberya sa pagtitipon na dinaluhan ng national speakers ng movement tulad nina dating Executive Secretary Vic Rodriguez, Atty. Glenn Chong, Trixie Cruz-Angeles, at iba pa.

“We just want reforms that ‘yung naririnig ninyo sa grupo ng mga Maisug at ‘yung mga Pilipino na ayaw ng gulo pero gustong may pagbabago. ‘Yan lang naman po,” ayon sa dating Pangulo.

Aniya, itinatakda ng Saligang Batas ang karapatan na magpahayag.

“Walang interesado na patalsikin si Marcos, walang interesado sa gobyerno na patumbahin mo. Huwag po iyan dahil dumaan akong presidente. Pati gobyerno ko nito. So, para just to erase doubts. But, we will ask that we will be heard from time to time so that government would know what the sentiments of the people are. And whether the sentiments or not—totoo man or hindi, makinig lang kayo. Total kung mali, sabihin lang ninyo. Kapag mali, wala naman kaming magawa. Sabihin niyo tama, wala rin kaming magawa. Just the right to be heard, ‘yan ang importante sa Constitution. The right to be heard, period. Maraming Salamat,” ani dating Pangulong Duterte.

Samantala, may patutsada namang muli ang anak ni Duterte na si Davao City Mayor Baste kaugnay sa sinasabing ‘overkill’ na operasyon ng mga pulis sa mga compound ng nagtatagong si Pasto Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Kinuwestyon nito ang administrasyong Marcos sa pagpapadala aniya ng bata-batalyong pulis para lusubin ang KOJC compound at arestuhin ang isang tao.

“Mr. President, kaninong kagagawan to? Hwag nyong sabihing ‘yung regional director. Huwag niyong sabihing ako. Huwag nyong sabihing yung chief PNP. 3 rehiyon ng mga pulis ang nandoon, just to apprehend one person. Excessive show of force talaga. Are you trying to intimidate us? Mahiya naman kayo.

Pagkatapos aniyang mabigo ang raid ng mga pulis at hindi nakuha ang gusto nila ay sinibak ang mga pulis na inutusan lang nila.

55

Related posts

Leave a Comment