GOV’T WORKERS PINAASA SA EO 64 NI MARCOS

KINUWESTIYON ng kinatawan ng mga guro sa Kamara ang gobyerno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil kakarampot na lang umano ang umento sa sahod ng mga government employees ay hindi pa ito ibinibigay.

Ayon kay ACT party-list Rep. France Castro, ipinagmalaki ng Malacanang ang Executive Order (EO) 64 na nilagdaan ni Marcos noong Agosto 2, 2024 para sa dagdag sahod ng government employees.

Gayunpaman, isang buwan na ang lumipas ay hindi pa natatanggap ng karamihan sa mga empleyado ng gobyerno, kasama na ang mga public school teachers ang umento sa kanilang sahod.

“Bakit may EO na, may IRR na, pero di pa binibigay ang salary increase? Ganun pa rin ang payslip ng mga teachers. Our teachers and government employees have long waited for a substantial adjustment of their salaries, which is crucial to cope with the rising cost of living due to inflation,” ani Castro.

“Ang problema kakarampot na nga tapos delay pa. Nananatili ang panawagan ng mga guro na P50k entry level at substansyal na dagdag na sahod,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon mambabatas, retroactive ang nasabing EO kaya dapat ibinigay na ang umento mula noong Enero 1, 2024 subalit hindi pa ito naibibigay hanggang sa kasalukuyan gayung kailangan na kailangan ito ng mga empleyado sa pamahalaan. (BERNARD TAGUINOD)

53

Related posts

Leave a Comment