Hamon ng minorya sa Kamara PACKAGE BILL VS OPH IDEKLARANG URGENT

SA gitna ng nakaambang panibagong dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, umapela ang minorya sa kamara kay Pangulong Ferdinand marcos Jr. na kagyat na sertipikahan bilang urgent bill ang apat na nakabinbing panukalang naglalayong maibsan ang epekto sa mga ordinaryong Pilipino.

“Malacanang and the legislative leadership should concentrate more on measures that would alleviate the suffering of ordinary Filipinos especially in lowering oil prices so that other products will have decreasing prices as well,” pahayag ni House assistant minority leader France Castro.

Giit ni Castro, kailangang sertipikahan bilang urgent bill ni Marcos Jr. ang House Bill 400 (Lower Oil Price Bill) kung saan nakapaloob ang apat na iba pang panukalang batas na kinabibilangan ng HB 3003 na nagsusulong sa pamahalaan na bawiin ang Petron, HB 3004 (Unbundling Oil Prices Bill; HB 3005 (Centralized Procurement of Petroleum) at HB 3006 na target naman ibalik sa gobyerno ang kontrol ng industriya ng langis.

Para kay Castro, wala nang iba pang paraan para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado na aniya’y mas nagpapalala sa inflation rate o ang mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan.

Sa magkakahiwalay na abiso publiko, inihayag ng limang kumpanya ng langis ang pagpapataw ng 90 sentimos na dagdag presyo sa gasolina habang 30 sentimos naman ang tapyas sa krudo.

Sa datos naman ni Gabriela partylist Rep. Arlene Brosas, lumalabas na P17.25 kada litro ang nadagdag sa presyo ng gasolina P36.30 sa krudo at P28 sa kerosene sa mala-tsubibong paggalaw ng bentahan ng langis sa pandaigdigang merkado. (BERNARD TAGUINOD)

22

Related posts

Leave a Comment