WALA nang inaasahang pagbabago pa sa ratings sa survey lalo pa’t ilang araw na lang at halalan na kung saan patuloy sa kanyang pangunguna si dating senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Sa Pulse Asia Preferential Survey na isinagawa nitong April 16 hanggang 21 ay hindi natinag sa 56% ang ratings ni Marcos mula sa survey noong Marso.
“The latter registers majority voting figures in most geographic areas (54% to 67%) and all socio-economic classes (56% to 57%). In the Visayas, less than half of votes (47%) express support for the presidential bid of the former lawmaker,” saad ng Pulse Asia.
Nasa ikalawang pwesto pa rin si Vice President Leni Robredo ngunit bumaba ito ng isang porsiyento at nagtala ng 23% mula sa nakalipas na survey.
“Although there is a 9-percentage point increase in the latter’s voter preference in Metro Manila and a 6-percentage point decline in her voting figure in the rest of Luzon from March 2022 to April 2022, these movements fall short of being significant given the relevant error margins for these subgroupings,” dagdag ng Pulse Asia.
Naungusan naman ni Senador Manny Pacquiao si Manila City Mayor Isko Moreno.
Si Pacquiao ay nakapagtala ng pitong porsyento habang si Moreno ay apat na porsyento. Sinundan siya ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nakakuha ng dalawang porsyento. Kasunod sina Ernie Abella at Faisal Mangondato na parehong may 1% rating, Ka Leody De Guzman – .3% at sina Norberto Gonzales at Jose Montemayor, Jr. – kapwa may .1% rating.
Sa pamamagitan ng face-to-face interviews, isinagawa ang survey sa 2,400 representative adults simula Abril 16 hanggang 21, 2022 na may ± 2% error margin sa 95 porsyentong confidence level.
Ayaw maging kampante
“We are optimistic. We are confident, but we are never complacent and iyon lagi ang aming guarded optimism!”
Ito ang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, chief-of-staff at tagapagsalita ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., kasabay ng panawagan sa milyon-milyong tagasuporta na manatiling mapagmatyag upang bantayang maigi ang sagradong boto sa darating na May 9 election.
“Siyempre naman when you embark on a big undertaking as huge as this, you have to have a positive mindset. Similarly, our campaign is positive campaigning. Now, we’re down into the last stretch of the campaign, are we confident? We have to be, otherwise, we do not have any business continuing with our campaign if we are not confident or optimistic of our chances come May 9,” ani Rodriguez.
Sa panayam ni veteran broadcaster Anthony Taberna sa kanyang Tune in Kay Tunying YouTube Channel, sinabi ni Rodriguez na marami ang mga naglalabasang impormasyon hinggil sa posibleng mga mangyayari ngayong halalan.
Para sa kampo ng mga Marcos, kailangan ay maging maingat sa lahat ng anumang impormasyon na tatanggapin.
Magtiwala rin aniya sa institusyon, partikular na sa Commission on Elections (Comelec).
“In fact we have to support them, we have to strengthen them. Do we trust Smartmatic? Well, it’s a tough question you’ve asked, Ka Tunying. Basta’t meron tayong malungkot na karanasan noong 2016. So, iyan ay kinakailangan nating bantayan subalit yun nga maniwala tayo sa pamahalaan,” ani Rodriguez.
“Nagtitiwala tayo kay Pangulong Duterte na gagawin niyang bahagi ng kanyang legacy bilang pangulo na malinis, marangal at tapat ang magiging halalan. Smartmatic, we’ll leave it up to the commission on elections but we will guard our votes and make sure that our vote is counted,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Rodriguez na bukod sa milyon-milyong tagasuporta na nagsasabing iboboto si Marcos sa May 9, marami ring traditional watchers ang magbabantay sa mga ERs (election returns).
“Ang kagandahan nito, meron tayong UniTeam eh it’s alliance of political parties so marami kaming katulong na magbabantay bukod sa PFP, yung Partido Federal ng Pilipinas. Nandyan ‘yung Lakas, yung partido ni vice presidential frontrunner Inday Sara Duterte,” sabi pa niya.
“Nandiyan din ‘yung Partido ng Masang Pilipino ni Senator Jinggoy at ni dating Pangulong Joseph Estrada. Nandiyan din ngayon ang Nacionalista Party at nandiyan ngayon ang PDP-Laban at marami pang iba. pati yung mga partylist,” pagpapatuloy niya.
Malaking bagay din aniya ang ibinigay na pahayag ni Pangulong Duterte laban sa mga mga election operators na: “wag ninyong subukan at wag kayong mandaraya sa kanyang termino sapagkat ito ay, tingin ko ay gusto niyang maging bahagi ng kanyang Duterte Legacy.”
187