INAGURASYON NI PBBM PLANONG GAWIN SA HISTORICAL SITE

KINUMPIRMA ni Senadora Imee Marcos na isa sa ikinukonsidera nilang lugar na pagdarausan ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila.

“Pinagpipilian pa lang, kaya nga lang hindi masyadong cooperative ang weather. So ang gusto kasi namin, ang number one criteria sana eh outdoor. Para hindi ma-COVID-19,” saad ni Marcos.

Ipinaliwanag ng senadora na sentimental sa kanila ang Luneta Grandstand dahil dito rin nanumpa ang kanilang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Kinumpirma ni Imee na plano na rin nila itong talakayin kay Manila City Mayor Isko Moreno.

Subalit, isa rin anya sa konsiderasyon nila ay ang lagay ng panahon.

“Kaya nagdadalawang-isip ang sister ko dahil nga umuulan,” paliwanag ni Imee na tinutukoy ang kapatid na si Irene Marcos-Araneta na in-charge sa paghahanda sa inagurasyon.

Ang ilan pa anyang lugar na pinagpipilian para sa June 30 inauguration ay ang Fort Santiago at National Museum na dating Senate Building.

“But traditionally kasi, ang tatay ko lagi sa Quirino grandstand.. always Quirino until 1969…” diin nito.

“But we will find a place, as soon as possible, given the weather and the covid-19 situation,” dagdag pa ng senadora. (DANG SAMSON-GARCIA)

68

Related posts

Leave a Comment