Isa sa mga agad pag-aaralan ng BBM admin SINGIL SA KURYENTE PABABABAIN

(CHRISTIAN DALE)

INIHAHANDA na ng Department of Energy (DOE) ang “set of documents” na naglalaman ng inisyatiba na inaasahan nitong ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon.

Kabilang na rito ang tinatawag na “unrealized adoption” ng nuclear power sa energy mix ng bansa sa panahon ng administrasyong Duterte na layong mapababa ang singil sa kuryente.

“What we are preparing is a comprehensive report by Secretary [Alfonso] Cusi to his successor,” ayon kay Undersecretary Felix William Fuentebella.

Sinabi ni Fuentebella na itutulak ng DOE na mapasama ang National Position for Nuclear Energy ng administrasyong Duterte pagdating sa legislative framework ng susunod na administrasyon.

Kapwa naman nangako sina Presumptive president Ferdinand Marcos Jr. at presumptive vice president Sara Duterte na pabibilisin ang adoption ng nuclear power ng bansa na naglalayong pababain ang electricity rates matapos magpalabas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang executive order na “tapping nuclear power as an energy source along with other alternative energy resources.”

Nagpahayag din si Marcos ng intensyon na bisitahin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP), na naging “mothball” sa nakalipas na tatlong dekada.

Bukod sa nuclear power adoption, sinabi ni Fuentebella na iiwan din ng DOE sa susunod na administrasyon ang responsibilidad upang mapalakas ang energy resiliency ng bansa “as far as the development of indigenous and clean sources is concerned” at maging ang pagtugon sa international community partikular na sa Russia-Ukraine war dahilan upang sumirit ang presyo ng langis sa buong mundo.

“We have a big push for other technologies not only for nuclear but also a big push for renewables… focus on indigenous and clean sources,” ayon kay Fuentebella.

 

Related posts

Leave a Comment