JAPAN BANK INTERESADO SA MAHARLIKA INVESTMENT

HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development.

Nagpahayag din ang JBIC ng interes sa newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF).

Nagpahayag ng interes ang JBIC para sa energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang.

Tinuran ni Maeda, interesado silang tugunan ang papel ng liquified natural gas (LNG) bilang traditional source of power sa Pilipinas at ang pangangailangan na Philippines at bitbitin ang iba pang energy sources gaya ng “hydropower, solar, at wind.”

“We have the potential…between Japan and the Philippines to work together,” anito sabay sabing “For example, I already had a meeting with Aboitiz Chairman Sabin and I proposed to him to have an MOU… and to Metro Pacific, and also to San Miguel.”

Aniya pa, may pangangailangan na kilalanin ang specific project at tukuyin kung paano lilipat sa mas episyenteng enerhiya, at maging ang development ng bagong teknolohiya gaya ng hydrogen.

Binati rin ng mga opisyal ng JBIC ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-apruba sa panukalang sovereign wealth fund ng dalawang kapulungan ng Kongreso. (CHRISTIAN DALE)

218

Related posts

Leave a Comment