JOCOS HUMIHIRIT NG 10K KAY PBBM

HINDI dapat limitado sa mga permanenteng personnel sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan ang benepisyo tuwing Disyembre, giit ng nasa 600,000 empleyadong pasok sa kategorya ng “job order” at “contract of service” (JOCOS).

Hirit ng JOCOS kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., P10,000 gratuity pay bago matapos ang taon.

Sa isang kalatas, hayagang sinabi ni dating Bayan Muna partylist Rep. Ferdinand Gaite na tatanggapin ng mga JOCOS ang ‘one-time rice assistance’ na kalakip ng nilagdaang Administrative Order No. 2 ng Pangulo.

“…but will still appeal for the rightful P10,000 Gratuity we have asked of the Department of Budget and Management (DBM) through a letter sent on December 16, 2022,” ayon sa Kawani Laban sa Kontraktwalisasyon (KALAKON) na kinabibilangan ni Gaite.

Anila, nararapat lamang na ibigay ang nasabing halaga sa mga JOCOS lalo pa’t sila di umano ang pinakadehadong empleyado ng gobyerno pagdating sa kompensasyon – bukod pa sa kawalan ng security of tenure, sa kabila pa ng kanilang kontribusyon sa larangan ng serbisyo-publiko.

“JOCOS workers’ plight for the 10k gratuity pay is ‘right and just’. The pay serves as a partial compensation of the significant contribution of JOCOS employees in government service,” ayon pa sa KALAKON na nasa ilalim ng Confederation for unity, recognition and advancement of government employees (COURAGE).

Tulad aniya ng mga contractual employees sa pribadong sektor, marami din pangangailangan ang mga JOCOS na hindi dapat isantabi ng gobyerno lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailan sa mga pamilihang bayan.

Malayong malayo din anila ang P1,250 na one-time rice assistance na matatanggap ng mga JOCOS sa P10,000 hinihirit ang mga ito na gratuity pay. (BERNARD TAGUINOD)

42

Related posts

Leave a Comment