KABUTIHAN NG MGA PINOY SA HAWAII INALALA NI PBBM

INALALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Pilipino at mga tao sa Hawaii sa kanyang pamilya noong 1986.

“I wouldn’t be here were it not for the compassion and kindness of our kababayans in Hawaii who gave us food and clothes when we arrived because we had nothing,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang courtesy call ng mga opisyal at miyembro ng Filipino Chamber of Commerce of Hawaii (FCCH) sa Palasyo ng Malakanyang.

Matatandaang, lumipad patungong Hawaii ang pamilya Marcos matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986 at nanatili roon hanggang sa pumanaw ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. noong 1989.

Sa nasabi pa ring meeting, tinalakay ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng FCCH ang inisyatiba ng administrasyon na panatilihin ang post-pandemic growth momentum ng bansa.

Ang FCCH ay kinukonsidera bilang isa sa pinakamalaki at pinakalumang Filipino chambers sa Estados Unidos, nagbibigay suporta sa Filipino entrepreneurs sa Hawaii.

Nagbibigay rin ang organisasyon ng regular networking meetings, valuable workshops at outreach trade missions sa Pilipinas.

Sa official Facebook page nito, ibinahagi ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga larawan ng naturang courtesy call. (CHRISTIAN DALE)

16

Related posts

Leave a Comment