KARAPATAN NG MAMAMAHAYAG SUPORTADO NI PRES. MARCOS JR.

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na susuportahan at poprotektahan ng kanyang administrasyon ang karapatan ng mga mamamahayag sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tinukoy ng Pangulo ang kanyang kahandaan na pakinggan ang lahat ng hinaing ng mga ito.

“Under my lead, we will support and protect the rights of the media as they efficiently perform their duty. Whatever difficulties we may encounter from this point on, the government will always be ready to lend an ear and to listen to your concerns and to answer all that you may want to know,” ang bahagi ng talumpati ng Pangulo sa idinaos na President’s Night na inorganisa ng Manila Overseas Press Club sa Sofitel Plaza sa Pasay City.

Ang nasabing event ay dinaluhan ng mahigit 400 media professionals at top executives ng malalaking kompanya sa bansa.

Batid ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga mamamahayag sa paghulma ng aktibong mamamayan na nakapag-aambag sa pag-unlad ng lipunan.

“The nation counts on media in improving access to information and increasing awareness on issues that affect our country and the world,” wika ng Pangulo.

Nangako rin ang Pangulo na ipaaalam niya sa mga miyembro ng media ang plano ng kanyang administrasyon.

“As I share your club’s conviction in the importance of upholding the universal right of free speech and press freedom, as well as giving and receiving accurate information, I’m committed to remain open with you, constantly communicating our progress as we move forward,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, hinikayat naman ni Pangulong Marcos ang mga mamamahayag na epektibong iparating sa publiko ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at inisyatiba nito tungo sa pag-unlad ng bansa.

Sa halip na maging lider, magiging katuwang rin aniya siya ng mga mamamahayag sa pagsisikap na pamunuan ang bansa na mapagtanto ang “shared aspirations” nito.

Sa nasabi pa ring event, inulit ng Punong Ehekutibo ang panawagan nito na pagkakaisa tungo sa pag-unlad at pagbuti ng buhay ng mga Pilipino.

“Unity remains one of the primary driving forces in pursuing economic recovery,” ayon sa Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

195

Related posts

Leave a Comment