LIBONG TRABAHO ASAHAN SA SCR PROJECT

AABOT sa 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa North-South Commuter Railway (NSCR) System.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isinagawang contract signing ng SCRP ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo ng Malakanyang noong Huwebes, sinabi nito na ang railway project ay “realization of a more efficient and inclusive public transportation system.”

“Now, as we hold the signing of Contract Packages S-01, S-03A, and S-03C, we continue to show the commitment to realizing the dream of a more efficient and inclusive public transportation system that every Filipino deserves,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin din ng Pangulo na ang paglagda sa tatlong contract projects, sakop ang 14.9 kilometers ng at-grade at railway viaduct structures, ay katuparan ng layunin ng gobyerno na makapagsilbi sa 800,000 mananakay araw-araw sa susunod na anim na taon.

“I am also happy to note that we are anticipating the generation of approximately 3,000 jobs once civil works for these sections begin,” ayon sa Pangulo.

Sa pagsasakatuparan ng proyekto, nanawagan ang Pangulo sa lahat ng concerned agencies at ibang stakeholders na magsama o magkapit-bisig sa pagtugon sa potensiyal na hamon sa pagsisimula ng civil works para sa railway project.

Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang kalagayan ng informal settler families na maaapektuhan ng pagtatayo ng railway system gayundin ang abalang maidudulot nito.

“So, we are continuously conscious in the national government and of course the local governments to ensure that those needing assistance are attended to,” ayon sa Chief Executive. (CHRISTIAN DALE)

127

Related posts

Leave a Comment