Magbabawas na raw ng byahe, pero.. JAPAN TRIP NI PBBM TULOY NGAYONG PEBRERO

(CHRISTIAN DALE)

TULOY ang official working visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Japan, mula Pebrero 8 hanggang 12, 2023.

Ang Japan para sa Malakanyang ay isa sa dalawang strategic partners ng Pilipinas.

Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Nathaniel Imperial na ang byahe ng Chief Executive patungong Japan ay tugon sa imbitasyon ni Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Ito ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo sa Japan simula nang maupo ito bilang Pangulo ng bansa.

Kinokonsidera naman ng DFA ang pagbisita na ito ng Pangulo sa Japan bilang “consequential.”

Ang Japan pa rin ang unang bansa kung saan nabuo ang “strategic partnership” ng Pilipinas bukod sa Vietnam.

Ang Japan din ang tanging bansa kung saan mayroong bilateral free trade agreement ang Pilipinas na tinawag na PH-Japan Economic Partnership Agreement.

Ang official working visit na ito ng Pangulo ay inaasahan na magpapatibay at mas magpapasigla sa relasyon ng dalawang bansa.

Inaasahang malalagdaan ng Pilipinas at Japan ang 7 mahahalagang kasunduan sa nasabing official trip.

Samantala, makakasama ng Pangulo sa byaheng ito sina Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta Marcos, dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Senate President Juan Miguel Zubiri, House speaker Martin Romualdez, Secretary for Foreign Affairs Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Sec. Alfredo Pascual, Energy Sec. Raphael Lotilla, Tourism Secretary Christina Frasco, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo Jr. at Secretary Cheloy Garafil at iba pang cabinet officials at undersecretaries na magiging bahagi ng kanyang official delegation.

Kamakailan, nagpahayag si Marcos Jr. na plano niyang bawasan ang bilang ng mga biyahe sa ibang bansa ngayong taon.

“Yung mga biyahe medyo babawasan na namin for the rest of the year,” ani Marcos.

47

Related posts

Leave a Comment