Mahirap nang talunin sa May 9 – Kalye survey BBM NANGUNA SA 60 PROBINSIYA

bbm

MAGTATALA ng makasaysayan, malawakan, malakihan at hindi na maawat na tagumpay sa darating na May 9 elections ang nangungunang standard bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Base ito mismo sa pinakabagong resulta ng Kalye Survey kung saan ay lalo pang umangat ang numero ni Marcos dahil sa 67 probinsiya sa bansa ay malayo ang kalamangan nito sa 60 lalawigan kumpara sa mga kalaban.

Ibinase ang numero mula sa mga ‘tabulation’ sa lahat ng Kalye Survey na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa hanggang nitong nakalipas na March 24 kung saan ay nakakuha ng boto si Marcos na 83,168 o 61.1 percent preference vote.

Malayong nakasunod sa kanya si Leni Robredo sa nakuhang 13,776 o 10.1% na sinundan ni Isko Moreno na may 10,232 votes o 7.5%.

Pang-apat si Manny Pacquiao, 8,764 o 6.4%; panglima si Ping Lacson na may 3,350 or 2.5% Kabuuang 135,406 ang respondents ng isinagawang organic Kalye Surveys na inumpisahan noong Oktubre ng nakalipas na taon at natapos noong March 24. May 12.4% ang undecided.

Ang tabulation sa Kalye Survey ay pinangunahan ng SPLAT Communications, isang credible information and statistical data provider, katuwang ang Simplified Strategic Solutions (SSS).
Naitala nila na 60 mula sa 67 probinsiya ay nangunguna si Marcos.

Ang pinakamababang ranggo na nakuha ni Marcos ay pangatlong puwesto sa isang probinsiya at Top 2 naman ito sa anim na probinsiya.
Isinagawa ang Kalye Survey sa 81 probinsiya, ngunit 67 lalawigan ang dumating na datos bago isagawa ang tabulation.

Si Robredo ay nanguna sa limang probinsiya mula sa Bicol region tulad ng Albay, Antique, Camarines Norte, Camarines Sur, at Sorsogon.

Pangalawa naman siya sa 23 probinsiya, pangatlo sa 19 na probinsiya, pang-apat sa 16 other provinces, at pang-lima sa limang lalawigan.

Samantala, si Pacquiao ay nanguna naman sa dalawang probinsiya, partikular na sa Davao Occidental at Sarangani. Rank 2 siya sa 26 provinces, pangatlo sa 17 probinsiya, pang-apat sa 17 lalawigan at pang-lima sa anim na iba pa.

Wala kahit isang probinsiya naman na nanguna sa survey sina Isko at Ping.

“How can the leading presidential aspirant who has the highest preference shares and ranked first in 60 out of 67 provinces with available data be beaten? In what alternate reality can that be possible?” sabi ng SPLAT.

Binuweltahan ng naturang data provider ang ilang kumukuwestiyon sa integridad ng Kalye Survey dahil wala aniya silang karapatan na maging bastos, bully at walang modo, kahit magkakaiba ang kanilang paniniwala at pananaw.

“We would like to reiterate that we are not forcing anyone to believe the results that we present as well as our analysis. Being disagreeable does not give anyone the authority to disrespect or even bully anyone. Everyone is free to agree or disagree but being in a disagreement does not grant anyone the right to be rude to anyone. It just goes to show the kind of person that you are and the kind of candidate you support,” sabi ng SPLAT.

“We reiterate that the results we present are based on the cumulative Kalye Survey results nationwide. Those who say that the results are fake, we challenge you to undertake the tabulation yourself to find out if we are releasing the correct data. The data we present are available anytime from the videos from all the channels and vlogs who have conducted surveys face-to-face with full video documentation uncut from end-to-end,” dagdag pa nila.

105

Related posts

Leave a Comment