KINASTIGO ng Makabayan bloc si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil habang kumakalam ang sikmura ng nakararami ay nagagawa nitong magdiwang ng maluhong kaarawan.
Maging sa social media ay binatikos ang okasyon dahil maituturing anila itong imoral at hindi katanggap-tanggap.
Ayon kina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, hindi nila masikmura ang marangyang selebrasyon ng kaarawan ni Marcos.
“This ostentatious display during President Marcos’ birthday, regardless of who footed the bill, is in extremely poor taste,” ani Castro.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil habang kabi-kabila ang selebrasyon sa iba’t ibang lugar ay inimport pa ng mga ito ang English pop rock band na Duran Duran.
“While millions of Filipinos are grappling with economic hardships, such a lavish celebration only underscores the stark contrast between the ruling elite and the ordinary citizen,” ayon pa kay Castro.
Bagama’t sinasabi ng Malacanang na sinagot ng mga kaibigan ni Marcos ang gastos sa pagbisita ng Duran Duran para mag-perform sa kaarawan ni Marcos ay hindi pa rin ito katanggap-tanggap.
Ipinaliwanag ng kongresista na alam ni Marcos kung ano ang kalagayan ng karamihan sa mamamayan kaya hindi dapat ginawa ang selebrasyon.
“The country’s leaders should be exemplars of humility and empathy, particularly during challenging times. Kaya hindi maganda ang ganito kagarbong mga handaan, lalong hindi maganda kung ayaw ipakita o ilahad saan ginastos ang pera ng bayan,” ayon pa kay Castro.
Dapat aniyang inuna ni Marcos na alalahanin ang kalagayan ng mga Pinoy na hirap pagkasyahin ang kanilang kita kaysa idisplay ang karangyaan sa Malacañang. (BERNARD TAGUINOD)
164