May pa-concert sa Palasyo habang naghihirap mga Pilipino NETIZENS DISMAYADO KAY MARCOS JR.

BUMABALIK lang sa kung ano ang nakaugalian.

Ganito ang sentimyento ng publiko base sa mga komento na mababasa sa social media partikular sa Twitter kaugnay ng series of concert na ikinasa ng Marcos Jr. admin.

Nagtataka ang marami kung bakit ngayong napakaraming problema ng mga Pilipino ay nauna pang maisip ng Malakanyang ang magpa-concert.

Nariyan ang problema sa mataas na bilihin, mahal na presyo ng langis, bigas, mababang sahod at marami pang kalbaryo ng mga ordinaryong mamamayan na hindi pa nasosolusyunan.

Isa pa ang dinaranas ngayong kawalan ng kuryente sa Oriental Mindoro na lalong ikinagagalit ng netizens.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Cris Villonco, creative consultant ng “Konsyerto sa Palasyo” na plano ng Malakanyang na magdaos ng serye ng konsiyerto kada tatlong buwan upang maipakita ang talento ng mga Pilipino sa larangan ng performing arts.

“We are planning every three months, mag-showcase po. So that means every three months may new program, new show, new set of artists, and sana din po another part ng grounds ng Malacañang,” ayon kay Villonco sa Laging Handa briefing.

“Maraming nagtatanong if this is a ticketed event. No, and it will never be a ticketed event,” dagdag na wika nito.

Umarangkada nitong Sabado ang unang “Konsyerto sa Palasyo”. Layon daw nito na bigyan ng papuri at parangal ang serbisyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“We will have 400 members of the Armed Forces of the Philippines watching together with the president and the first lady doon po sa [in the] Malacañang grounds,” ayon kay Villonco.

Maaari din itong mapanood ng publiko via live stream.

Pinuna naman ng netizens na posibleng pampalubag loob ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos niyang aprubahan ang reporma sa MUP pension system.

Mapapansin din sa mga post ng netizen ang mga video at larawan ng mga party ng pamilya Marcos sa Malakanyang noong nanunungkulan ang ama ni BBM na si Ferdinand Sr.

Tila nananariwa sa kanila ang mga eksena noong mga panahon na iyon at kung paano namuhay ang mga Marcos.

Narito ang mga komentong naka-post sa Twitter:

JC Punongbayan:
Pambawi ba ito sa pinaplanong fiscal reform on military and uniformed personnel pensions?

Budget Babe:
Kala kung anong project ang nagkick-off. Concert series pala. Sakit sa bangs

Azarcazm:
Parang karma kay Jr ah.
Ganito yan. Busog din ang militar/pulis noong panahon ni Sr. Si Pres. Cory nahirapan noon. Parang toothpaste, mahirap ibalik sa tube.
Ang karma kay Jr, kargo nya ang problema na iniwan ni Dutz noong doblehin ang sweldo ng militar/pulis.

YaniYani:
Habang may isang probinsya n nanlilimahid s init dahl walang kurynte. (Patungkol sa state of calamity na idineklara sa Occidental Mindoro dahil sa kawalan ng kuryente.)

mondu:
Sayang di makakapanood kahit online mga tiga mindoro.

Cassti:
grabe ang dami pala nating pera na pampakain sa mahihirap, kaya nating gumastos nang ganito

Paradigm Shift:
Ang mga pobreng bumoto, ayun…kayod kalabaw pa rin.

Pj:
daming problema ng bayan pero inuna pa ang pa concert

Mr. Brightside:
Famine sa Bacolod dati nung ni-launch ang Masskara Festival — pantakip ng mga larawan ng mga batang buto’t balat na namatay sa gutom. ☹ #Golden Age #NegrosFamine (nagbalik-tanaw noong panahon ni Marcos Sr.)

Akmed:
Ang laking tulong nyan sa military! Salamat BoBoM! 😆😆😆

Orlaine Yu:
Tapos sa Mindoro 22 hours na sila walang kuryente dito nagsasayang ng pera at kuryente!

ThornsHaveRoses:
Old habits are hard to die.

tigredawakosabingtatayko:
Ang mahal naman ng loyalty check na ‘to. Panandaliang aliw lang yan. Isipin din ninyong mga sundalo kung ano ang hirap na dinaras ng sambayanang Pilipino.

Mayo:
Galing talaga! Nakakahiya naman sa mga walang kuryente!

DayunyorLBM:
Magkano nagagastos sa isang concert?
-Yung mga apektado ng oil spill wala ng kabuhayan.
-Walang kuryente sa Mindoro.
-Healthcare workers di pa rin naayudahan.
Pero ok lang. Tiis muna kayo. May paconcert muna, pampawi ng kahirapan!

mac2:
“series”?
So hindi lang to one-time thing?
So meron pang ganto sa susunod?

Chinkee:
Kadiri. Naghihirap ang tao tapos laging may paganyan. Very Imeldific!!

Kathryn:
Gara ng gobyerno .sagot sa dami ng problema sa Pilipinas ay pa concert lol

Blue:
Grabe ang priorities, party pa more!!!!

Anne10:
Nag.umpisa sa pasarap yung mga taga mindoro bbm pa more

Adrian:
Ito naba Ang sagot sa kahirapan,patayan at gutom?

Ren Corporal:
Lumolobo ang inflation, pero magparty muna tayo! Nakngtokwa!

maneki_nekkers:
Asan na mga apologist? Ano na script nyo? Pano nyo ipagtatanggol itong kahangalan na ito?

Junior Makabayan:
Style ng mga diktador ang ganitong mga pangyayari. Bigyan ng kasayahan ang mga tao sa oras ng dumarami ang nagugutom na mga sikmura

QuenElly_13:
“There are people dying”….
Still, they didn’t realize how hungry their own people are.
Tuloy ang party….!!

JL:
Making tulong neto sa inflation rate ng bansa.Thank you PBBM.

insoji:
Ito tlga ang priory ng government samantalang sa Mindoro Wala parin kuryente. Galing!!

Lyn Tek:
Ikakalinis yan ng oil spill, ikakasolve yan ng power crisis, ikakabusog yan ng mga gutom… priorities priorities priorities

twentyeight:
Dapat para di i coup ng mga sundalo

DarkBlue1972:
Suggestion ‘to ni mommy? Mahilig siya dito nung kapanahunan niya.

K.
Mag invest kayo ng mga gamit pang digma para sa AFP hindi concert nyeta!

Camille Duchesse:
Konsyerto sa Palasyo
(KSP). Ayun. 😑
Magkano kaya ang nagastos at magagastos?

john m:
That’s from Filipino taxes…Marcos Senior legacy…Wait for every Barangay parties…Deja vu…

@dondonLee:
Parang window dressing dati ni Meldy just to cover up hunger and poverty, puro party ginagawa.

Kagandahan:
jusko! hindi ba parang mali? sa kalagitnaan ng paghihirap ng bayan at sa dami ng suliranin, yan talaga ang naisip mong unahin?

waweyn:
yan lang ba ang kayang maoffer ng isang ekonomista at graduate ng Oxford? walang relevance yan sa tunay na problema na kinakaharap ng bayan, palibhasa walang talino kaya concert na lang ang kayang maibigay sa tao, aanhin namin yan? makakain ba yan? makakapagbayad pa yan ng bills?
mapapaganda ba nyan ang ekonomiya? solusyon ba yan sa gutom at sa kawalan ng trabaho? kaya ganyan na lang ang ginagawa ng gobyernong magnanakaw kasi wala na silang magandang maibigay at mai-offer sa mga Pilipino, hindi kayang pagandahin ang ekonomiya kaya magpaconcert na lang

Erwin B:
Sorry, walang 20 pesos na bigas. Ilusyon. Eto tunay. Namnamin nyo ang mga kanta at ng mapawi ang mga gutom nyo.

Careless Bears:
Bleeding their funds! Gusto lang naman magparty nila Dayunyor in-guise to recognize the most talented artist kuno! Yung mga artist naman mga mukhang pera! Di na nahiya! Balik era ng sobrang pag gasta! Tiba tiba ang nasa kusina!

Rays:
Solusyon sa mga problema ng administrasyon? Free concert! During d olden times in Rome, when times were hard, the emperor entertain d people w/ gladiator fights. Kahit panandalian lang mapawi ang gutom ng mga citizens at humupa ang galit sa emperor. Walang pinagkaiba ito dun.

Eduardo Nantes:
What a waste of public funds ! Ganyan si dyunyor, walang pakialam kung saan ginugugol ang pera ng taong bayan.

Staysafe:
Yan naman hilig mo ginawa mo pa dahilan ang AFP (Pasaring naman ito kay BBM)

67

Related posts

Leave a Comment