MORE INVESTORS TARGET NI PBBM SA SWITZERLAND

LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland ngayong Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa World Economic Forum (WEF).

Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya.

“The World Economic Forum is hosting a Country Strategy Dialogue for us where we are given the opportunity to promote the Philippines as leader and driver of growth and a gateway to the Asia-Pacific region – one that is open for business – ever ready to complement regional and global expansion plans of both foreign and Philippine-based enterprises anchored on the competent and well-educated Filipino workers, the managers, and professionals,” ayon sa Pangulo sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base.

Maghahanap din aniya siya ng magiging katuwang na susuporta sa “ambitious plan” ng administrasyon para magtayo ng mas maraming imprastraktura at tiyakin ang “food at energy security” sa panahon ng WEF sa Davos.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na intensyon niya na ibahagi ang pagsisikap ng administrasyon na sagipin ang buhay at pangkabuhayan dahil sa pandemya.

Ang annual meeting ngayong taon ng WEF ay first in-person gathering forum simula 2020 bago pinatigil ng COVID-19 pandemic ang buong mundo. (CHRISTIAN DALE)

78

Related posts

Leave a Comment