Naka-monitor sa Bagyong Paeng – Malacañang PRES. MARCOS WALA SA JAPAN

ITINANGGI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na nasa Japan si Pangulong Marcos habang nananalasa si Tropical Storm Paeng.

“Wala po sya sa Japan,” diing pahayag ni Velicaria-Garafil.

Sa katunayan, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang full council meeting ng NDRRMC noong Sabado, Oktubre 29, upang alamin ang lawak ng pananalasa ng Bagyong ‘Paeng’ at ginagawang tugon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.

Sa emergency meeting, tinanong din ng Pangulo kung bakit hindi agad nailikas ang mga kababayan sa Mindanao kaya umabot sa 67 ang casualties.

Sa pagpupulong, iniutos ng Pangulo ang agarang pagpapadala ng tubig na maiinom sa BARMM.

Susundan ito ng water purifying systems, batay na rin sa hiling ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim.

Iniutos din ng Pangulo ang agarang pagpapabalik ng kuryente sa mga apektadong lugar kapag ligtas nang ibalik ang kuryente. Pinapapaspasan naman ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang clearing operations sa mga kalsadang hindi pa madaanan upang makapasok ang relief at rescue missions sa mga nasalanta ng bagyo. (CHRISTIAN DALE)

39

Related posts

Leave a Comment