OFFICIAL STATEMENT OF ATTY. VICTOR D. RODRIGUEZ Chief of Staff and Official Spokesperson of Presidential Aspirant Bongbong Marcos, Jr.

On QC-LGU sentiment on the BBM-Sara UniTeam Caravan held in Quezon City.

Nagpapasalamat ang BBM-Sara Uniteam sa mga tulong na inihanda ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte para sa okasyon na ginanap ngayong araw (Disyembre 8).

At nagpupugay ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte sa pakikiisa ng lahat na taga-lungsod Quezon, maging anoman ang kanilang paniniwalang pulitikal, sa nasabing pagtitipon.

Humihingi na rin ng paumanhin at pang-unawa ang BBM-Sara UniTeam sa mga motorista, byahero, pamahalaang lungsod at maging sa MMDA kung ang nasabing Unity Caravan ay nagdulot ng pagsikip sa daloy ng trapiko.

Hindi po kasi inaasahan ng mga naghanda sa nasabing okasyon na ma-OVERWHELM pa rin ang kanilang masinop at malawak na preparasyon sa dagsa ng mga taga-suporta nina Bongbong at Sara na sabik na makiisa at makita ang kanilang mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente.

Muli, ang pasasalamat ng BBM-Sara UniTeam sa lahat ng kanilang taga-suporta, partikular sa Malayang QC Team nina Mike Defensor, na gumugol ng panahon at sariling resources upang maisabuhay ang inaasam ng tambalang Marcos-Duterte na pagbubuklod ng sambayanan na sinimulan na sa maraming lugar sa bansa sa pamamagitan ng Unity Caravan, na ngayon nga ay isinagawa sa lungsod Quezon.

137

Related posts

Leave a Comment