Paalala sa mga nasa gobyerno CHRISTMAS PARTY SIMPLEHAN LANG

(CHRISTIAN DALE)

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang marangyang pagdiriwang ngayong Pasko bilang pakikiisa na rin sa libo-libong Pilipino na nagdurusa dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo sa bansa.

Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang dahilan para magpalabas pa ng kautusan dahil naniniwala at nagtitiwala sila sa kabutihan ng government workers na “can unilaterally adopt austerity in their celebration.”

“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” ayon kay Bersamin.

Sa kabilang dako, hinikayat naman niya ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na mag-donate ng naipon o naitabi nilang pera sa mga biktima ng bagyo para makapagdiwang ang mga ito ng simpleng Pasko.

“On the part of the government, we will make sure that the Christmas spirit will be felt early by all the affected areas in the form of relief goods and assistance, of infrastructure rebuilt, and of livelihoods restored,” pagtiyak ni Bersamin.

Marami ang lugmok ngayon dulot ng magkakasunod na pananalanta ng mga Bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.

119

Related posts

Leave a Comment