PAGKUKUMPUNI SA SCHOOLS SA MISOR PINAPAPASPASAN NI PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa local government units (LGUs) sa Misamis Oriental na ipinag-utos na niya ang pagpapalabas sa P3 milyon na gagamitin para kumpunihin ang napinsalang school buildings dahil sa baha sa nasabing lalawigan.

“If the LGUs can take the load, we can send you the three million plus immediately. Kasi ito ‘yung nakalista dito, for the school buildings,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang situation briefing sa Gingoog City, Misamis Oriental.

“I’m talking about the school buildings for the repair. Yeah do it. By administration na lang para mas mabilis. Mas mabilis and mas mura,” dagdag na wika ng Pangulo.

Ayon sa Chief Executive, mayroong 63 silid-aralan na binaha dahil sa shear line.

Sa kabilang dako, ipinag-utos din ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na bilisan ang pagkumpuni sa mga nasalantang imprastraktura sa oras na humupa na ang baha.

25

Related posts

Leave a Comment