PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.”
Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa 110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya.
Binigyang- diin ni Pangulong Marcos na kailangang hasain ng gobyerno ang mamamayan para maging “industrious, potent at productive Filipinos”, na malakas at matatag, matiisin sa kahirapan upang mabuhay nang matagal at i-enjoy ang buhay.
“This is the reason why this Administration has put a high priority and considered it of strategic importance that lies in the areas of food security, health care, and education, amongst others,” ayon sa Pangulo sabay sabing ito ang dahilan kung bakit kinuha niya ang posisyon bilang Kalihim ng Department of Agriculture, tugunan ang pangunahing hamon.
“Sometimes we do not think about it and therefore do not often realize it, but lodged at the very core of all this is the aspect of good nutrition for our people. On the one hand, we have acknowledged the harrowing state of affairs that hunger and food inadequacy continue to be of paramount national, and for that matter, international concerns,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Ang PMNP, isang four-year project, pinangunahan ng Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay nakatuon tungo sa pag-adopt ng “bold multi-sectoral approach” para makamit ang nutrition-specific at nutrition-sensitive interventions sa iba’t ibang local government units (LGUs).
Tinukoy ang kamakailan lamang na Expanded National Nutrition Survey (ENNS), na binigyang diin ang mataas na insidente ng pagkabansot sa hanay ng health issues sa mga kabataang Pilipino, sinabi ng Pangulo na dapat talakayin ng pamahalaan ang malnutrition, naugnay sa “long-term adverse developmental impacts.”
Gagawin ang PMNP sa 275 na munisipalidad, 13 rehiyon at 29 na mga lalawigan lalo na sa mga lokal na pamahalaan na may mataas na bilang ng mga batang bansot o mga batang mas mababa sa edad na lima -maging ang mga buntis at mga nagpapadedeng ina. (CHRISTIAN DALE)
