PAGPAPABUTI SA TRANSPORT SYSTEM TINIYAK NI PBBM

DESIDIDO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ituloy ang pagpapaganda ng transport system ng Pilipinas.

Sa Metro Manila Subway Project Launching ng Tunnel Boring Machine sa Valenzuela City, siniguro ni Pangulong Marcos na magpapatuloy ang gobyerno para mag- invest sa ikagaganda ng sistema ng transportasyon ng bansa.

Mas marami pa aniyang proyekto ang kanilang itutulak sa mga susunod na taon sa gitna ng target nila na magkaruon ng mas madaling access ang publiko sa kanilang trabaho, pagnenegosyo at iba pang lugar na mapupuntahan gamit ang maganda at maayos na transport system.

“We will continue to invest and improve on our transportation systems as well as to pursue more projects in the years to come, so that Filipinos can gain greater access to places of work, commerce, recreation, and other vital areas,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

“Having an effective and efficient transportation system will have multiplier effects on employment, the economy, [and] our society; it will bring comfort, convenience, [and] an easier life for all,” wika pa nito.

At sa paglulunsad ng boring tunnel machine sa Valenzuela City kaninang umaga, sinabi ng Chief Executive na magsisilbi itong simbolo ng commitment ng kanyang Administrasyon para ituloy ang mga nasimulang proyekto ng dating administrasyon.

Sa ilalim aniya ng kanyang pamamahala sa bansa, tiniyak Ng Presidente Ang target niya para sa mas maraming proyektong pang- imprastraktura sa ilalim ng “Build, Better, More.” (CHRISTIAN DALE)

26

Related posts

Leave a Comment