PAGPAPAUNLAD SA MARITIME AT AVIATION SECTOR TINUTUTUKAN NI PBBM

(CHRISTIAN DALE)

PINAGPRESENTA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Transportation (DOTr) ng kanilang programa sa maritime at aviation sector sa idinaos na 11th cabinet meeting sa Malakanyang nitong Martes (Oktubre 11).

Sinabi ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na ang sektor ng transportasyon ay isa sa priority sectors ng Pangulo kaya pinagpresenta niya ang DOTr ng mga programa nito para isulong ang economic recovery at mabigyan ng hanapbuhay ang mamamayan.

Sinabi pa ni Velicaria-Garafil na inutusan ni Pangulong Marcos ang DOTr na bumuo ng isang Maritime Industry Dev’t Plan upang mapaunlad at mapalawig ang mga industriya ng maritime at aviation sector kasama aniya ang utos ng Chief Executive na ayusin ang ports o mga daungan upang mas maraming cruise ships ang makadaong dito para mapalakas din ang tourism industry.

Inutusan din aniya ni Pangulong Marcos ang Marina na lutasin ang problema ukol sa mga eskwelahan na hindi sumusunod sa educational quality standards base sa international requirements at guidelines.

Kasama rin aniya rito ang pagtugon sa isyu ng ship boarding requirements sa maritime students.

Winika pa aniya ng Punong Ehekutibo na dapat i-upgrade ang competencies ng mga eskwelahan at ayusin ang training programs upang mabigyan ang mga estudyante ng bentahe at mailagay ang mga ito sa international standards para magpatuloy ang estado ng bansa bilang “number 1 supplier” ng seafarers sa buong mundo.

Hinggil naman aniya sa aviation sector, inutusan ng Chief Executive ang DOTr na tutukan ang pag-upgrade ng Manila Airport upang matugunan ang lumalaking demand, kasama na rin aniya ang pag-aaral sa existing unsolicited proposals para i-modernize ang existing airports, i-upgrade ito at magtayo ng mga bagong airport sa iba’t ibang lugar sa bansa.

14

Related posts

Leave a Comment