HIHIKAYATIN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang mga kapwa-Southeast Asian leaders sa 42nd ASEAN Summit na maghanap ng paraan para isulong ang pagsasapinal ng Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS).
Layon nito na pagaanin ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan.
“So yes, I will bring it up again because when we talk about – when we talk about the issues on the West Philippine Sea, South China Sea, hindi magkakalma ‘yan hanggang mayroon na tayong Code of Conduct,” ayon kay Pangulong Marcos nang tanungin kung muli nitong itutulak ang COC sa summit.
Para sa Chief Executive, ang pagkakaroon ng COC ay makapagbibigay-linaw sa mga bagay-bagay at bawasan ang posibilidad na “miscalculations”.
Umaasa naman ito na kayang tugunan ng regional bloc ang usapin na nagsisilbing hadlang sa konklusyon ng negosasyon na itinuturing na key element sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) centrality. (CHRISTIAN DALE)
