PAGSUSPINDE NG KLASE, TRABAHO AGAHAN – PBBM

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Lunes ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyakin na makapagbibigay ng ‘early advisories’ na may kinalaman sa suspensyon ng klase at trabaho dahil sa masamang panahon.

Hangad ni Pangulong Marcos na kaagad malaman ng publiko kung kakanselahin ang trabaho at klase sa susunod na araw bago pa sila matulog sa gabi upang makagawa ang mga ito ng kinakailangang adjustments.

”We will try to give the bulletin as early as possible for work and school tomorrow. Ang instruction ko sa kanila kung maaari bago tayo matulog alam na natin kung may pasok bukas o hindi para makapag-adjust naman ‘yung mga tao,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nauna rito, sinuspinde ng Malakanyang ang klase sa pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lahat ng antas sa Metro Manila, araw ng Lunes, dahil sa Tropical Storm Enteng (international name Yagi).

Bukod dito, inanunsyo rin ng Malakanyang ang suspensyon ng trabaho sa gobyerno sa NCR. (CHRISTIAN DALE)

37

Related posts

Leave a Comment