Patutsada kay Marcos Jr. ‘WAG MAG-ABOGADO KAY DUTERTE

(BERNARD TAGUINOD)

“STOP lawyering for ex-Pres. Duterte and allow Prosecutors to investigate those responsible for extra-judicial killings in the Philippines.”

Ito ang mensahe ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil mistulang nag-aabogado ang grupo nito kay Duterte.

Ipinaalala ng dating kinatawan ng Bayan Muna party-list sa Kamara na si Duterte ang kinakasuhan sa ICC at walang obligasyon si Marcos na depensahan ito dahil hindi ang dating Pangulo ang gobyerno.

Bukod sa abogado si Duterte at mayaman, kaya-kayang kaya nitong kumuha ng abogado kaya walang dahilan para ang gobyerno ni Marcos ang tumayong tagapagtanggol nito.

“Abogado si ex-Pres. Duterte, kaya nakapagtataka bakit gobyerno pa ang nag-aabogado sa kanya. Maraming OFW ang nahahatulan sa abroad dahil walang seryosong legal services ang gobyerno, tapos si ex-Pres. Duterte, DOJ Secretary at Solicitor General pa ang abogado,” ayon pa kay Colmenares.

“It is misuse of public funds if Pres. Marcos continue providing legal services for him,” paalala pa ni Colmenares kay Marcos.

Samantala, kahit ano pang gawin ni Duterte ay hindi umano nito maiiwasan ang ICC dahil ang sentro ng imbestigasyon ay ang serye ng patayan sa buong bansa sa gitna ng war on drugs nito at maging ang kanyang Davao Death Squad (DDS) bago ito naging pangulo ng bansa.

Wala rin umano sa katuwiran ang gobyerno na pagsasabing walang karapatan ang ICC na magsagawa ng imbestigasyon dahil wala naman aniyang ginagawa ang gobyerno para panagutin ang dating Pangulo.

“Sa totoo lang hindi siya iniimbestigahan ni Pres. Marcos Jr. at ng gobyerno ng Pilipinas kaya di nya pwedeng sabihing dito lang sya kakasuhan. Ni hindi nga sya kasama sa 302 kasong inimbestigahan ng DOJ. Alam kasi ni ex-Pres. Duterte na di siya seryosong imbestigahan at kasuhan dito kaya gusto niyang dito siya litisin. Walang imbestigasyon o kaso laban kay ex-Pres. Duterte dito sa Pilipinas kaya tama lang ang mga pamilya ng EJK victims na dumulog sa ICC. Period,” litanya pa ni Colmenares.

Isinuka rin ng dating mambabatas na ang pahayag ni Duterte na siya ay isang “pro-Filipino nationalist” kaya hindi siya maaaring litisin ng isang dayuhang korte.

“He cannot pretend to be pro-Filipino or a nationalist after he gave away to China our resources and surrendered our sovereign rights in the West Philippine Sea. Pekeng nasyonalismo ang kanyang sinasabi para lang mataguan ang kaso niya,” pahayag pa ni Colmenares.

143

Related posts

Leave a Comment