PBBM BILANG DA CHIEF APRUB SA PUBLIKO

NAKATANGGAP si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mataas na approval rating sa desisyon nito na upuan at tumayong Kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Base sa resulta ng Pahayag 2022 Quarterly Survey ng PUBLiCUS Asia, 63% ng respondents ang sumang-ayon sa naging desisyon ng Pangulo na kunin ang agriculture portfolio.

May 15% naman ng mga Pinoy ang hindi sumang-ayon sa nasabing desisyon habang 22% ang undecided.

Ang survey ay isinagawa noong Setyembre 16-20, 2022, na may 1,500 adult respondents.

Sa isang panayam, pinanindigan ni Pangulong Marcos ang kanyang desisyon na manatili bilang Kalihim ng DA sa gitna ng naging panawagan ng mga kritiko na magtalaga ng full-time secretary para pamunuan ang departamento.

Pinagbasehan ng Pangulo ang pagsang-ayon ng ibang DA officials sabay sabing handa siyang bumitaw bilang DA chief kung hindi na siya kailangan.

“I am giving my full attention to the department. And the reason that I stay on up to now I have actually raised the subject with some of the — some of the staff and the employees and the secretaries in the DA and they asked me not to [leave],” ayon sa Punong Ehekutibo.

Tiniyak naman ng Pangulo na magtatalaga rin siya ng isang personalidad para pumalit sa kanya bilang DA chief sa oras na “properly institutionalized” at nagawa na ang structural changes.

Noong Hunyo nang ihayag ni Pangulong Marcos na siya na muna ang mamumuno sa DA sa harap na rin ng ng mga problema sa sektor ng agrikultura.

15

Related posts

Leave a Comment