GUMAWA ng kasaysayan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kauna-unahang foreign head of state na binigyan ng “full honors” sa The Pentagon sa ilalim ng administrasyon ni US President Joseph Biden.
Si US Secretary of Defense Lloyd J. Austin ang nag-welcome kay Pangulong Marcos sa Pentagon.
Sinabi ng US Dept. of Defense Protocol office na ang full honors na ibinigay sa Pangulo ay unang ipinagkaloob sa foreign head of state o gobyerno sa ilalim ng administrasyong Biden.
Sa kanilang pagpupulong, nagpahayag si Austin ng commitment ng kanyang bansa para sa tanggulan ng Pilipinas, “President (Joseph) Biden has made clear our commitment to the defense of the Philippines is ironclad. And let me tell you once again that our Mutual Defense Treaty applies to armed attacks on our armed forces, coast guard vessels, public vessels, or aircraft in the Pacific including anywhere in the South China Sea,” ang sinabi ni Lloyd kay Pangulong Marcos.
“So, make no mistake Mr. President, we will always have your back in the South China Sea or elsewhere in the region,” ang wika nito.
Samantala, ang pagbisita ng Pangulo sa The Pentagon ay kasunod ng muling pagpapatibay ng Pilipinas at Estados Unidos sa kanilang security alliance sa gitna ng tensyon sa Asia-Pacific region.
Matatandaang unang nagpulong si Pangulong Marcos at American defense chief sa Palasyo ng Malakanyang, noong Pebrero.
Sa isinagawang courtesy call ni Austin, nangako ito na tutulungan ang Pilipinas na gawing modernisado ang defense capabilities at itaas ang interoperability ng American at Filipino military forces. (CHRISTIAN DALE)
