PBBM: FRESH IDEAS KAILANGAN SA PAGPAPALAKAS NG TURISMO

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan para sa tourism industry players at stakeholders na makagawa ng “fresh” at “new” ideas para makapanghikayat ng maraming turista na bibyahe sa Pilipinas at buhayin ang inilarawan niyang “key players” sa progreso sa bansa.

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay bilang papuri na rin sa pagsisikap ng Department of Tourism (DOT) na konsultahin ang regional tourism offices hinggil sa pamamaraan para suportahan ang pagbangon ng industriya ng turismo na binansagan bilang “listening tours.”

“Following the pandemic, we need fresh and innovative ideas to bring back the imagination and the confidence of our people—from here and abroad—so they will be encouraged to explore the best destinations that the country can offer,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos sa Philippine Tourism Industry Convergence Reception (PTICR) sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Inilarawan nito ang listening tours ng DOT bilang “imaginative tool” na makatutulong sa gobyerno na makita ang perspektibo ng mga nasa ground at maintindihan ang kanilang karanasan at sitwasyon.

Mananatili naman aniyang committed ang gobyerno na tiyakin na ang “inputs acquired” mula sa listening tours ng DOT ay magiging “optimized” para sa kapakinabangan ng sektor ng turismo.

Sa kabilang dako, pinuri ng Pangulo si DOT Secretary Christina Frasco sa pagpapanatili sa kanyang administrasyon “on their toes” sa pagkakaroon ng malinaw na vision ng kanyang plano para sa sektor ng turismo.

“She keeps us on our toes. She has always kept a very very clear idea in her mind of what we are trying to achieve. She has brought passion and energy that certainly that we’re going to need. But it is passion and energy that gives us confidence that we will succeed,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa nasabing event, pinangunahan ni Pangulong Marcos at iba pang opisyal ang “unity toast” para sa industriya ng turismo na patuloy na bumabangon mula sa matinding hagupit ng COVID-19 pandemic.

Kasama ng Pangulo ang kanyang maybahay na si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, presidential son at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos.

Dumalo rin sa event si Vice President Sara Duterte. (CHRISTIAN DALE)

11

Related posts

Leave a Comment