PBBM NAKIPAGPULONG KINA WHO CHIEF TEDROS AT TONY BLAIR NG UK

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kina World Health Organization (WHO) director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus at dating United Kingdom prime minister Tony Blair sa magkahiwalay na courtesy calls sa Malakanyang, araw ng Martes.

Ayon sa Malakanyang, pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Blair ang napakalawak na paksa ukol sa bureaucracy at governance base sa best practices sa developed countries.

Dumalo rin sa nasabing pulong sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevara, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Matatandaang una nang nagpulong sina Pangulong Marcos at Blair sa Estados Unidos nang magkaroon ng working visit ang una sa New York.

Tinalakay ng mga ito ang peace process sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at iba pang usapin gaya ng food security, climate action, at kalakalan.

Si Blair ay executive chairman ng Tony Blair Institute for Global Change.

Samantala, sa naging pulong ni Pangulong Marcos kay Tedros, binigyang diin nito ang pangangailangan na makahanap ng pangbalanse sa pagitan ng ekonomiya at kaligtasan ng mamamayan.

Idagdag pa ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccine campaign sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ititigil na ng Pilipinas ang pagtrato sa COVID-19 pandemic bilang emergency subalit mananatili ang idineklarang state of calamity. (CHRISTIAN DALE)

14

Related posts

Leave a Comment