PBBM NAKIRAMAY SA PAGPANAW NI QUEEN ELIZABETH II

NAGPAABOT ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ng pinakamatagal na namunong British monarch na si Queen Elizabeth sa edad na 96.

“It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen Elizabeth II in Balmoral Castle yesterday evening,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.

“The world has lost a true figure of majesty in what she demonstrated throughout her life and throughout her reign as Queen,” ayon sa Pangulo.

“We, together with many Filipinos living and working in England, though not subjects of the Queen, have found ourselves having developed a great sense of affection for her as a Queen, as mother, and as a grandmother,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, personal namang nagpunta si Pangulong Marcos sa British Embassy sa Maynila para lumagda sa condolence book.

Sinabi ng Malakanyang na ito’y close-in engagement lamang.

Iniulat ang pagkamatay ni Queen Elizabeth, Huwebes ng hapon sa Balmoral Castle sa Scotland, base sa anunsyo ng Buckingham Palace.

Ang King at Queen Consort, Charles at Camilla ay mananatili sa Balmoral ngayong gabi at babalik sa London kinabukasan, sinabi ng Palasyo.

Ang asawa ni Queen Elizabeth, si Prince Philip, ay namatay noong Abril 2021.

Si Elizabeth ay naging Reyna noong 1952 sa edad na 25, at namuno sa bansa at sa Commonwealth, kabilang ang Canada, sa loob ng pitong dekada. Ang 70 taon na iyon bilang monarch ay kinilala sa Platinum Jubilee events ngayong taon na ipinagdiwang sa London noong Hunyo.
(CHRISTIAN DALE)

18

Related posts

Leave a Comment