PBBM NASA THAILAND PARA SA APEC SUMMIT

UMALIS kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Thailand para lumahok sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM).

Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, sinabi ng Pangulo na ang APEC Summit ay isang pagkakataon para sa bansa na itulak ang economic agenda at iba pang prayoridad nito para sa Pilipinas.

“Ang dala natin sa ganitong mga summit at mga meeting [ay] ang ating mga pangarap,” ayon sa Pangulo.

Makaka-ugnayan ng Pangulo ang iba pang lider para talakayin ang food at energy security at economic inclusion ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ng bansa.

Idagdag pa sa kanyang pagdalo sa APEC meetings, inaasahan na sina Pangulong Marcos at First Lady Louise Araneta-Marcos ay makapupulong sina King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana, magkakaloob ng royal audience para sa “APEC Leaders and Spouses.”

50

Related posts

Leave a Comment