PBBM SINIGURO KALINGA SA MGA BETERANO

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi isasantabi ng administrasyong Marcos ang kapakanan Filipino war veteran.

Sa pagdalo ni Pangulong Marcos sa paggunita ng ika-78 Leyte Gulf Landing Anniversary sa Macarthur Leyte Landing Memorial National Park sa Palo, Leyte, sinabi nito na walang sapat na kabayaran ang maaaring maibigay sa mga Filipino war veteran sa ipinamalas nilang katapangan nuong Japanese occupation.

Dapat lamang alalahanin magpakailanman ng mga Pilipino ang ipinakitang kabayanihan ng mga beterano na aniya’y nagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan.

“They who have fought and died in and for this land will have their names forever etched in the pages of history,” ayon sa Pangulo.

Binanggit din ng Pangulo na bagamat dating magkaaway ay nakatutuwang magkaibigan na ngayon ang Pilipinas at Japan sa kabila ng anomang differences o pagkakaiba sa nakaraan.

“”This government will always continue to look after the welfare of our war veterans. For as we commemorate on this hallowed ground sanctified by the blood, the life, and the sacrifices of our brave veterans, we cannot allow our memories to lapse. We must always remember that this was the best of Filipinos,” wika nito.

Samantala, binigyang diin naman ng Pangulo ang kahalagahan ng pagkilala sa Leyte Gulf Landings bilang paalala sa “human and economic cost of wars.”

“Domestically, we will strengthen our peace-building efforts, especially in conflict-affected areas. Externally, we will continue to pursue the enhancement of our relations with our neighbors towards ensuring security and addressing global issues such as facilitating post-pandemic growth and addressing climate change,” ang pahayag ng Pangulo.

Giit nito ang pangangailangan na matuto mula sa mga pangyayari noong World War II. (CHRISTIAN DALE)

12

Related posts

Leave a Comment