PH-VIETNAM PARTNERSHIP SA FOOD SECURITY PALALAKASIN

NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng karagdagang pangako mula sa Vietnam pagdating sa usapin ng food security, climate change, defense at food supply.

Ito’y matapos makapulong ng Pangulo si Vietnam National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue sa Palasyo ng Malakanyang, nitong Miyerkoles.

“I am looking forward to building upon excellent relationships between our two countries. And under your leadership, we will continue to work closely together and I am very confident under your leadership and with your experience, you will help contribute further to strengthen the bilateral relations between our two countries and also in helping elevate the role and position of the Philippines on the global stage,” sinabi ni Chairman Vuong kay Pangulong Marcos.

Sinabi ni Pangulong Marcos na masuwerte siya na nakapulong ang kanyang Vietnamese counterpart, si President Nguyen Xuan Phuc, sa 29th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand noong nakaraang linggo.

“I was able to have a meeting with your President wherein we discussed many subjects that primarily [include] agriculture and the trade between our two countries, when it comes to the agricultural importation and in importing from Vietnam to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa Vietnamese official.

“He was kind enough to make a commitment of Vietnam to always include the Philippines as part of your trade partners, especially when it comes to rice. We covered many other subjects as well.

We touched upon the issues in our region about defense and security and some of the common interests between the Philippines and Vietnam,” lahad nito.

Nauna rito, kinumpirma ni Pangulong Marcos ang kanyang pagbisita sa Vietnam dahil sa imbitasyon ni President Nguyen.

Nakapulong din ni Pangulong Marcos si Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia, kung saan napagkasunduan ng mga ito na mas palakasin pa ang kanilang partnership pagdating sa “defense, trade, investment, agriculture at maritime security.”

Para naman kay Chairman Vuong, sinabi nito na siya ay “much impressed” sa pangakong binitiwan ng Pilipinas sa ASEAN Inter-Parliamentary Assembly (AIPA) sa pagpapahayag ng “concerted efforts and coordination to address the climate change and to work together on transitioning towards the clean energy.”

Nagsilbi namang kinatawan ni Pangulong Marcos si House Speaker Martin Romualdez sa AIPA event. (CHRISTIAN DALE)

16

Related posts

Leave a Comment