PINOY 2-TAON NANG BIGO KAY BBM

PATULOY na binibigo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang sambayanang Pilipino.

Ganito inilarawan ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang kalagayan ng mga Pilipino dahil natapos na ang dalawang taon mula nang manungkulan si Marcos ay lugmok pa rin ang mga ito sa kahirapan.

“Paliit na nang paliit ang halaga ng sahod ng mga manggagawa dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, pagkain, at batayang serbisyo. Tapos ang gobyerno parang binaon pa lalo ang mga Pilipino dahil sa barya-baryang dagdag sahod,” ani Brosas.

Lalong nawawalang halaga aniya ang ibinigay na umento sa mga manggagawa sa Metro Manila dahil sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar kung saan umabot na P58.6: US$1 ang palitan mula sa P55:1US$ noong June 2022.

Sa July 16, 2024 pa magsisimulang ipatupad ang P35 na umento sa minimum wage sa Metro Manila na ayon sa mambabatas ay hindi mararamdaman ng mga manggagawa dahil hindi makontrol o kayang pababain ng gobyerno ang presyo ng mga bilihin.

“While prices of rice, vegetables, meat, and fish continue to surge, coupled with peso depreciation and higher oil prices, workers are expected to make do with a laughable P35 increase,” ani Brosas.

Patuloy aniya ang paghihigpit ng sinturon ng mga Pilipino dahil kahit magiging P645 na ang minimum wage sa Metro Manila ay malayo pa rin ito sa P1,200 na cost of living.

“The government’s economic policies are clearly failing the Filipino people, particularly women and their families. We demand a wage hike that will allow workers to live decently, not just barely survive,” dagdag pa ni Brosas. (BERNARD TAGUINOD)

35

Related posts

Leave a Comment