PINOY SCIENTISTS HINIMOK NI PBBM MANATILI SA PINAS

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Filipino scientists at researchers na manatili sa Pilipinas.

Naniniwala ang Pangulo na magiging ‘active partners’ sila ng gobyerno pagdating sa nation-building.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 2022 National Science and Technology Week (NSTW) celebration na idinaos sa World Trade Center sa Pasay City kahapon.

Dumalo rin sa nasabing okasyon si Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Solidum Jr.

“I encourage our Filipino scientists, researchers, inventors and innovators, to continue sharing your expertise, especially to young people. I urge you to stay in the country as you pursue your career. We will continue to support you and continue to look to you to be active partners of the government,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang mga scientists at researchers ay dapat lamang makatuwang ng national government at iukol ang kanilang kasanayan para iangat ang buhay ng mga Pilipino at tumulong sa pagtatayo ng mas “sustainable”na bansa.

Aniya pa, dapat bigyan ng direksyon ng national government ang “science at development field” upang ang output o kalalabasan ng bawat research ay kapaki-pakinabang sa mga magsasaka, negosyante, MSMEs, at lahat ng mamamayan.

“I’ve spoken to some of the researchers and some of the – those that are administering the research institutes around the country, not only agriculture but all kinds of other research and development,” ayon sa Pangulo.

“And they’re willing to take direction from us, from the private sector as to what are the necessary technologies for the Philippines in terms of improving – well again, climate change mitigation, adaptation, and our food supply, our economic transformation, all of these things,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos. (CHRISTIAN DALE)

22

Related posts

Leave a Comment