PINOY WORKERS KAILANGAN NG CZECH COMPANIES

(CHRISTIAN DALE)

MAS maraming job opportunities ang alok ng Czech Republic sa mga manggagawang Pinoy.

“We also highly appreciate the Philippines’ system of recruiting workers for work in other countries. Czech companies are very satisfied with Philippine citizens. We are discussing the possibilities to expand migration for work,” ayon kay Prime Minister Petr Fiala sa joint press briefing noong Lunes matapos ang bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang.

Si Fiala ay dumating sa bansa noong Linggo.

Ito ang unang araw sa 10-day Asian tour ni Fiala na magtatapos sa Uzbekistan sa Abril 25.

Nagdaos ang dalawang lider ng bilateral meeting na dinaluhan ng mga kinatawan ng Czech businesses.

“We hope that our visit will be a new start for successful cooperation between our companies,” ani Fiala.

Sinabi pa nito na suportado niya ang pag-uusap na may kinalaman sa transport aircraft at iba pang proyekto sa aviation sector.

“Our company Ceská zbrojovka offers extensive modernization to the Philippine Armed Forces. This project also includes transfer of technology,” ayon kay Fiala.

Tinuran naman ni Pangulong Marcos na ang pakikipagpulong niya kay Fiala ay nagmarka ng “important milestone” sa dekadang diplomatic ties ng Pilipinas at Czech Republic.

” Prime Minister Fiala and I discussed a range of issues of mutual interest, including defense cooperation, trade and investment, university-to-university linkages, and labor cooperation. We also exchanged views on regional and international issues of common concern,” ang wika ng Pangulo.

Pinag-usapan din ng dalawang lider ang isyu na may kinalaman sa West Philippine Sea at giyera sa Ukraine. Hindi naman ito nagbigay ng karagdagan pang detalye.

“I express our commitment to strengthening the bilateral relationship between our two countries. We recognize the importance of building on the existing areas of cooperation and exploring new opportunities for collaboration,” ayon sa Chief Executive.

Si Fiala ay nasa Pilipinas para sa kanyang three-day official visit.

Siya ang pangalawang head of state na bumisita sa bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos.

305

Related posts

Leave a Comment