NAGKASUNDO sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Premier Li Keqiang, nitong Sabado na mas laliman pa ang partnership ng Pilipinas at China.
Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary na sina Pangulong Marcos at Li ay nagkaroon ng maikling pag-uusap sa sidelines ng Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN)-Plus Three Summit sa Phnom Penh, Cambodia.
Sinabi ng Malakanyang, nakatakdang bisitahin ni Pangulong Marcos ang China sa unang bahagi ng Enero 2023 dahil na rin sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping para sa isang state visit.
Ang state visit ni Pangulong Marcos sa China ay mula Enero 3 hanggang 5 o 6, 2023.
Sinabi naman ni Li na naniniwala siya na kailangan na nagpapatuloy ang paglago ng ugnayan ng China at Pilipinas. Binigyang -diin ang pagkakaroon ng bansa ng kanilang denominator “far outweighs” sa kanilang differences, kung saan sinang-ayunan ng lider ng Pilipinas.
“I absolutely agree. And I thank you for remembering my father and his initiative to come to China and it was he after all who made the Philippines and China family,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Li.
Looking forward naman si Li na makatrabaho ang Pilipinas na pinaninindigan ang pagkakaisa at kooperasyon sa pagitan ng China at ASEAN.
Ang ASEAN-Plus Three ay kinabibilangan ng 10 ASEAN member states, China, Japan at Republic of Korea. (CHRISTIAN DALE)
