PROSESO NG PAGNENEGOSYO PABIBILISIN NG MARCOS ADMIN

LALAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho at pagnenegosyo sa Pilipinas kabilang ang pagproseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.”

Sa isang pagpupulong sa State Dining Room, ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang paglikha ng executive order ukol sa probisyon ng guidelines na magpapabilis sa pagpoproseso ng permit para sa strategic investments sa bansa at ang paglikha ng Green Lane.

Binibigyang mandato ng EO ang mga kinauukulang tanggapan na magtatag ng Green Lane, “to expedite and streamline the process and requirements for the issuance of permits and licenses, including resolutions of issues concerning strategic investments.”

Binibigyan din ng mandato ng EO ang national government agencies at local government units na kaagad iproseso ang permit o license application na hindi lalagpas ng three working days sa kaso ng simpleng transaksyon; seven working days naman sa kaso ng complex transactions, at 20 working days para sa highly technical transactions mula sa “date of receipt.”

Kabilang naman sa strategic investments na kinilala ng DTI ang mga proyekto ng national significance, highly desirable projects na inendorso ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) at FDIs  na inendorso ng  Inter-Agency Investments Promotion Coordination Committee (IAIPCC) o priority projects o activities sa ilalim ng Strategic Investment Priority Plan (SIPP), kinokonsidera bilang mga proyekto ng national significance o highly desirable na maaaring ie-endorso ng Board of Investments (BOI) of the concerned Investment Promotion Agencies (IPAs). (CHRISTIAN DALE)

39

Related posts

Leave a Comment