IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na magpartisipa sa fun run nitong Linggo, inorganisa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para makatulong na mag-promote sa anti-drug advocacy.
Sa isang Facebook post, inimbitahan ni Pangulong Marcos ang lahat na sumali sa “Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa pamamagitan ng pagtugon sa “demand reduction and rehabilitation” sa mga komunidad.
“Buo ang ating suporta sa DILG Philippines sa kanilang sigaw na Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan,”ayon kay Pangulong Marcos
“Sama-sama tayo sa pakikipaglaban kontra iligal na droga, para sa #BagongPilipinas,” dagdag na wika nito.
Inanunsyo ni Pangulong Marcos ang BIDA Bayanihan ng Mamamayan Fun Run and Serbisyo Caravan na isasagawa ngayong araw ng Linggo sa Mall of Asia Complex sa Pasay City.
Inaasahan naman ng DILG ang 10,000 participants na sumali sa three-kilometer at five-kilometer fun runs, na nagsimula o nag-fire-off ng alas- 3 a.m. sa Block 16.
Sa kabilang dako, may , 10 government agencies ang magpapartisipa sa service caravan.
Ilan sa mga serbisyo na available ay “application for passport, Philippine Identification card, police clearance, license to own and possess firearms and certificate of tribal membership; subscriber identity module (SIM) card registration; driver’s license application and renewal; at health services gaya ng blood type at testing, X-ray at mammogram.
Ang mga nagnanais naman na mag- avail ng services ay pinapaalalahanan na bilisan ang proseso ng required documents.
Ang administrasyon ay gagawa ng bagong approach para labanan ang paglaganap ng narcotics trade, kaugnay sa direktiba ng Pangulo para ituon sa “treatment and rehabilitation” ng mga drug users.
Ayon sa 2022 accomplishment report ng Philippine Drug Enforcement Agency, may P30.9 bilyong halaga ng illegal drugs ang nasabat sa 37,000 law enforcement operations noong 2022.
Ang pinaigting na anti-narcotics crackdown ang naging dahilan ng pag-aresto sa 53,002 drug personalities at paghahain ng 45,850 drug cases noong nakaraang taon. (CHRISTIAN DALE)
