PULSO NG PINOY MATATAG KAY PBBM, PAGTINGIN KAY VP SARA NAGBAGO – RPMD

NAGPAPAKITA ang ‘Boses ng Bayan’ survey para sa ikatlong kwarter ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ng matibay at tuloy-tuloy na suporta para kay Pres. Bongbong Marcos Jr., na may 76% na ‘trust rating’ at 74% ‘approval rating’.

Bagaman bahagyang bumaba ng 1% ang ratings, binigyang-diin ni Dr. Paul Martinez na ang mga pagbabagong ito ay nasa loob ng margin of error, at sinabi niyang, “This stability signifies that Filipinos retain the same ‘heartbeat’ for the President’s leadership as seen in the previous quarters results.”

Ang survey ay nagpapakita ng kumpiyansa ng publiko kay Marcos at ng kanyang pagtutugma sa mga hangarin ng sambayanang Pilipino. Kay Vice Pres. Sara Duterte naman ay nagpapakita ng pagbabago sa damdamin ng publiko. Mayroon siyang 69% ‘trust rating’ at 63% ‘approval rating’, na bumaba ng 7% at 8%, ayon sa pagkakabanggit.

Ang disapproval ay tumaas sa 17% para sa ‘trust’ at 15% ‘job performance’, at mayroong 14% na undecided sa ‘trustworthiness’ at 22% sa performance.

Ayon kay Dr. Paul Martinez noted “that while her ratings remain above the majority threshold, these shifts highlight evolving public expectations that the Vice President may need to address.”

Ang ‘Boses ng Bayan’ survey ay nagpapakita rin ng malakas na suporta ng publiko para kina Senate President Chiz Escudero at House Speaker Martin Romualdez, na pinuri sa kanilang people-centered na pamamahala. Ang pamumuno ni Escudero, na may 69% trust rating at 67% job performance score, ay nagbigay-pugay sa imahe ng Senado bilang isang independiyente at transparent na katawan. Ang mataas na ‘trust’ (85%) at ‘satisfaction’ (82%) sa Senado ay nagpapakita ng kanyang papel sa pagpapalakas ng legislative accountability.

Si House Speaker Martin Romualdez naman ay may matatag na suporta na may 75% trust rating at 73% job satisfaction score. Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakamit ng House ang 83% ‘trust’ at 80% ‘satisfaction’, na nagpapakita ng kanyang pagsusumikap sa pakikipag-ugnayan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga makabuluhang outreach programs kasama ang mga kasamahan at si Pangulong Marcos. Ang ganitong hands-on at community-focused na pamamaraan ay nagbigay ng positibong epekto sa pananaw ng publiko, at itinuturing si Romualdez at ang kanyang koponan bilang mahalagang katuwang sa pag-unlad ng bansa kasabay ng mga layunin ng administrasyon ni Marcos.

Binanggit ni Dr. Paul Martinez na ang pamumuno nina Escudero at Romualdez sa dalawang sangay ng lehislatura ay mahalaga sa pagpapalakas ng tiwala at kasiyahan ng publiko. Ang survey, na isinagawa mula Setyembre 20-31, 2024, sa 10,000 kalahok, na may +/-1% margin of error at 95% confidence level, ay nagbibigay ng maaasahang pananaw sa damdamin ng bansa.

58

Related posts

Leave a Comment