Sa Brussels meeting ni PBBM BILYONG INVESTMENTS NAKUHA NG PINAS

(CHRISTIAN DALE)

BILYON-BILYONG investment ang ibubunga ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ilang malalaking European firms sa kanyang pagdalo sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) Business Summit.

Kabilang dito ang P4.7 billion investment mula sa Unilever.

Nakipagpulong ang Pangulo sa mga opisyales ng Unilever sa pangunguna ni Matt Close, presidente ng nasabing global business group.

Ayon kay Close, ang paglalagak ng investment ay patunay ng kanilang commitment sa Pilipinas na kanilang itinuturing na importanteng lugar para sa pamumuhunan.

Kaugnay nito’y pinasalamatan naman ng pangulo ang Unilever sa ibinibigay nitong commitment sa bansa.

Ayon sa Radio TV Malacanang, nakipagpulong din si Pangulong Marcos sa mga kinatawan ng French shipbuilder Ocea, at Spanish infrastructure at renewable energy firm Acciona.

Sa closing remarks ng Pangulo sa ASEAN-EU Business Summit, Martes ng gabi, humingi ito ng paumanhin sa kanyang boses at tinukoy ang malamig na panahon sa Brussels.

Ang Pangulo ay nasa Belgium para dumalo sa Commemorative Summit sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations at European Union.

“Unilever reportedly intends to put up a “state-of-the-art” manufacturing facility for personal care products in Cavite. It is expected to generate around P4.7 billion in investment, adding that it will provide employment opportunities to around 130 Filipinos,” ayon sa ulat.

Plano naman ng Ocea na mag-develop ng isang shipyard sa Pilipinas, na mayroong investment na P1.5 billion na inaasahan na makalilikha ng 500 hanggang 600 direct at indirect jobs.

“The French firm specialized in maritime safety, security, navigation, shipbuilding, and integrated logistics support,” ayon pa rin sa ulat.

Tinalakay naman ni Pangulong Marcos ang potential investments sa energy sector sa executives ng Acciona.

Ang Spanish multinational company ang nasa likod ng construction ng Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) na nag-uugnay sa mainland Cebu hanggang Mactan Island.

39

Related posts

Leave a Comment